Tuesday, December 16, 2008

Metro Manila...ano nga ba talaga ang tunay na Wika?

noong nakaraang Disyembre 11, 2008 araw ng Hwebes ng kami ay muling magtalakay kasama ng aming guro at ang aming tinalakay ay ang wika sa metro manila.

Ang filipino ay:

*diyalekto lamang ng wikang tagalog
*diyalekto lang ng wikang tagalog(de facto)
*mag kahiwalay na wika(de jure)
*manila educ.tagalog
*taglish
*code switching

meron din ilang taga manila na ang gamit ay tagalog.
ang TAGALOG ay:
  • ang sumusubaybay sa pag babago sa kultura,pampulitika,at ekonomiya.
  • ang tagalog din ay merong punto,lexicon,at karilangan
  • ang tagalog ay
  1. TANAY PAETE(laguna)
  2. BULACAN
  3. TAYABAS QUEZON
  4. BATANGAS
  5. LUGANG
  6. MARINDUQUE
  7. MAYNILA-ito ang standard na wika ng metro manila

Ang istorya ng Wika

Natutunan ko na ang ating wika(katulad ng iba,..)ay may simula.
At sa pagtatalakay sa amin ng wika ni sir marami akong nalaman. ayon kay Noah Webster may mga paraan kung pano makalikha ng wika.

Una...Ang akronym ay ang paggawa ng makabagong salita galing sa isang salita.

Pangalawa...Ang Archaic ito ay ang makabagong salita galing salita lumang salita.

At...marami pang iba:

jargon
mix-mix na lenggwahe
Eupemismo
Eponisms
Salitang nanganganak
paggamit ng numero


...hay! isang arw nanaman ang lumipas ng marami akong natutunan.

Ang Pag-uulat ni Ms. Monterola at Ms. Bueno

Ipinagpatuloy ni Ms. Monterola ng kanyang naputol na pag-uulat noong nakaraang pagkikita namin. At nang matapos iyon marami kaming mga natutunan. Bukod sa layunin ng kanyang ulat, marami pa ang nauna sa kanyang mag-ulat ng ilang mga trivias.

Matapos nang kanyang ulat ay sumunod si Ms. Rhea Bueno na tinalakay ang paksang Wika: Artipisyal o likas? Una ay nagtanong siya sa amin ng ilang opinyon kung ano ang masasabi namin sa paksang kanyang iuulat. marami naman ang nagbigay ng ibat-ibang opinyon. At sumunod na ang kanyang sariling pahayag at mga impormasyon tungkol sa pakasa. Matapos nya ay marami kaming nalaman na dati ay wala kaming pakialam.

Pagtalakay ng Wika

Noong nakaraang Nobyembre 25, 2008 tinalakay sa aming klase ang tungkol sa wika. Ang Wika ayisang mahalagang aspeto ng bawat kulltura. Kasangkapang ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagigiliwan.
Nagkaroon kami ng mga layunin bago ang simula ng talakayan. Una sinabi sa amin ng aming guro na mayroong pagkakaiba ang Wika sa Diyalekto. Ang wika ay ang pambansang lenggwahe samantalang ang diyalekto naman ay ang ginagamit ng mga taong rehiyong lugar katulad na lamang ng Bikol.
Nagbigay kami ng kanya-kanyang pagka-unawa sa pagkakaiba ng Diyalekto at Wika. Marami akong natutunan katulad ng ang Wika ay may sistema. Natutunan ko rin na totoo ngang marami pang wika ang ating bansa.

Wednesday, November 19, 2008

Isang Araw nanaman ang dumaan

noong nakaraang Nobyembre 18, 2008, araw ng hwebes ay muling pumasok sa amin ang aming guro na si G. Irvin Sto. Tomas. pinatnubayan at ginabayan niya kaming muli sa pamamagitan ng pagturo sa amin ng paggawa ng lesson plan. hinati-hati kami sa tatlong grupo na binase sa aming subject majors ang English, Math at Physics. ayon sa handouts na ipinamahagi sa amin ng aming guro, iba-iba ang paraan ng paggawa ng lesson plan batay sa aming majors.

itinuro nya din sa amin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng balanse ng pundasyon, karunungan at damdamin sa larangan ng pagtuturo na naging dahilan para ako ay ma inspire. sinabi nyang alin man sa mga ito ang hindi maayos ay malaking epekto sa magiging resulta.
humahanga ako sa aming guro dahil napaka pasensyoso nya.napakabait nya sa amin. yan nga lang masyado siyang mahiyain at hindi siya mahilig makipagkomunikasyon o makipagkaibigan sa amin. napatunayan ko na yon nang maraming beses kapag nakakasalubong ko siya sa campus ay palagi ko siyang binabati pero ni minsan hindi nya nagawang tingnan man lang ako para tugunan ng ngiti sa twing binabati ko siya ng "magandang umaga o magandang hapon sir!" kung sa bagay naiintindihan ko siya, malamang dala lamang ito ng kanyang pagkamahiyain sapagkat sabi nila ito ang unang taon ng kanyang pagtuturo.

Monday, November 17, 2008

PAG-ASIGN SA AMIN NG MGA MAG-UULAT

Noong ika-14 ng Nobyembre araw ng hwebes muling pumasok sa aming klase ang aming guro sa filipino 2 na si G. Irvin Sto.Tomas upang patuloy na magturo sa amin. Matapos kaming turuan nang nakaraang pagkikita namin na gumawa ng blog account nang nakaraan naman na hwebes ay in-assign ang bawat isa sa amin ng mga paksang aming iuulat sa susunod naming mga pag-uulat. lahat kami ay may kanya-kanyang paksang iuulat. Nang ako na ang tinawag ay kinabahan ako sa ibibigay na paksang akin iuulat, inisip ko na lamang na sana ay hinsi mahirap ang ibibigay sa akin. at swerte ko namang matagal pa kung kelan ako mag-uulat.

Ang iba kong kaklase ay bukas na mag-uulat kaya nga maaga pa'y naghanda na sila at preparado na sila para bukas.