Monday, November 17, 2008

PAG-ASIGN SA AMIN NG MGA MAG-UULAT

Noong ika-14 ng Nobyembre araw ng hwebes muling pumasok sa aming klase ang aming guro sa filipino 2 na si G. Irvin Sto.Tomas upang patuloy na magturo sa amin. Matapos kaming turuan nang nakaraang pagkikita namin na gumawa ng blog account nang nakaraan naman na hwebes ay in-assign ang bawat isa sa amin ng mga paksang aming iuulat sa susunod naming mga pag-uulat. lahat kami ay may kanya-kanyang paksang iuulat. Nang ako na ang tinawag ay kinabahan ako sa ibibigay na paksang akin iuulat, inisip ko na lamang na sana ay hinsi mahirap ang ibibigay sa akin. at swerte ko namang matagal pa kung kelan ako mag-uulat.

Ang iba kong kaklase ay bukas na mag-uulat kaya nga maaga pa'y naghanda na sila at preparado na sila para bukas.

1 comment:

Irvin Sto. Tomas said...

Pagbati sa iyong kauna-unahang post!

Hindi mo isinet sa Filipino ang langwij. Umulit sa pagkrieyt ng akawnt pero kopyahin muna ang iyong entri/s (meron ka naman draft nito diba?). Heto ang gagawin:
1) Pumunta sa Dashboard, pagkatapos sa Mga Setting, at sa pinakaibaba ng peyj,
2) Klikin ang Tanggalin ang Blog na Ito upang permanenteng maalis ang blog,
3) Mag-sign out.
4) Iset sa Filipino ang langwij
5) Magkrieyt ng bagong akawnt (parehong proseso)
6) Ipost ang dating entri

TIP: Huwag nang baguhin ang ORAS sa petsa at maaaring makaenkawnter ng problema. Mas mahalaga yung Buwan/Araw/Taon.